Pagpaparangal sa 11 Tricycle Drivers sa Lungsod ng Pasig

May 15, 2023



Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang 11 tricycle drivers mula sa ating lungsod na nagpakita ng katapatan, lalung-lalo na sa kanilang mga pasahero, sa isang maiksing panuntunan kaninang umaga, May 15, 2023, na ginanap kasabay ng Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Pasig City Hall Quadrangle. 

Sa kanyang speech, pinasalamatan ni Mayor Vico Sotto ang tricycle drivers at ipinahayag ang kagustuhan na sana’y tularan at magsilbing mabuting ehemplo ang mga ito para sa mga Pasigueño, lalung-lalo na sa mga kabataan. Bukod pa rito, pinaalalahanan din niya ang lahat na may nakatingin man o wala, kilalanin man o hindi, bigyan man ng award o hindi ay dapat, mabuhay ang bawat isa ng may katapatan tulad ng tricycle drivers. 

Bilang pasasalamat ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, bukod sa Certificate of Appreciation, ang mga kinilalang tricycle driver ay nakatanggap din ng food packs at gift certificates na nagkakahalagang PHP 2,000.00.

Sa maiksing programa, pinarangalan at kinilala ang sumusunod na tricycle drivers:

1. Florencio Dialoma (SANSETODA)

- Nagsauli ng pera na nagkakahalagang PHP 29,600.00

2. Randy Dival (VATODA)

- Nagsauli ng pera na nagkakahalagang PHP 11,000.00

3. Nestor Plotado (PCMTODA)

- Nagsauli ng pera na nagkakahalagang PHP 11,907.00

4. Niño Bagacina (PPMARTODA)

- Nagsauli ng isang cellphone at pera na nagkakahalagang PHP 7,000.00

5. Rodel Manansala (SANSETODA)

- Nagsauli ng pera na nagkakahalagang PHP 4,600.00

6. Ireneo San Gaspar (STODA)

- Nagsauli ng pera na nagkakahalagang PHP 3,000.00

7. Arvin Mongaya (EAPPTODA)

- Nagsauli ng pera na nagkakahalagang PHP 2,000.00 at USD 200. 

8. Joebert Lariza (SSMTODA)

- Nagsauli ng pera na nagkakahalagang PHP 98,000.00

9. Raymond Masagca (PMATODA)

- Nagsauli ng cheke na nagkakahalagang PHP 400,000.00

10. Louie Diaz (SANPATODA)

- Nagsauli ng cheke na nagkakahalagang PHP 1,300,000.00 at land title

11. Alfred Evangelista (SSMTODA)

- Nagsauli ng cheke na nagkakahalagang PHP 300,000.00