Paglindol, naramdaman sa Lungsod ng Pasig

June 15, 2023



Lumikas ang mga empleyado at bisita ng Pasig City Hall sa designated evacuation areas matapos maramdaman at maitala ang intensity III na lindol sa Pasig. 

Agad namang nagsagawa ng assessment ang Pasig City Rapid Damage and Needs Analysis Team, sa pangunguna ng City Engineering Department, upang ma-check ang mga posibleng pinsala sa gusali ng City Hall at iba pang gusali sa City Hall Compound, at masiguro na ligtas na bumalik ang mga empleyado at bisita sa loob nito. 

Para sa emergencies, tumawag lamang sa Pasig C3 sa 8643-0000. 

Keep safe, Pasigueños!