Paggawad ng Parangal sa ilang Pasigueño

April 4, 2023



Kasabay ng lingguhang pagtataas ng watawat ng Pilipinas ay ginawaran ang mga ilang Pasigueño ng parangal sa iba't ibang larangan sa isang maiksing programa na ginanap kahapon, April 3, 2023 sa Pasig City Hall Quadrangle. 

Una na rito ang pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa grassroots athletes na nagbigay karangalan sa ating lungsod sa pamamagitan ng paglahok sa iba't ibang larangan ng sports – regional man, national, o international.

Sunod naman ay pinarangalan din ang mga kabataan at ilang kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Pasig na lumahok at nagwagi sa naganap na poster making contest at photography competition kaugnay ng selebrasyon ng Fire Prevention Month noong buwan ng Marso. Samantala, binigyang parangal naman ng BFP ang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na nagsilbing Fire Safety Advocates kung saan sila ay lumabas sa isang infomercial na pinroduce ng BFP-Pasig kung saan sila ay nagbahagi ng Fire Safety Tips upang maiwasan ang mga pinsalang dulot ng sunog. 

Bukod sa mga ito, sa pangunguna ni Department of Environment and Natural Resources - National Capital Region Regional Executive Director Jacqueline A. Caancan, ay pormal nang naisaling kamay ang tatlong parangal na iginawad sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa katatapos lamang na "Gawad Taga-Ilog 3.0: Search for the Most Improved Estero in Metro Manila Awarding Ceremony" noong March 24, 2023.