Pagdiriwang ng Pasig Day Against Child Labor: Project Angel Tree

July 2, 2025



𝐏𝐚𝐠𝐝𝐒𝐫𝐒𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐒𝐠 πƒπšπ² π€π πšπ’π§π¬π­ 𝐂𝐑𝐒π₯𝐝 π‹πšπ›π¨π«: 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 π€π§π πžπ₯ π“π«πžπž

Nasa 100 Department of Labor and Employment (DOLE)-profiled child laborers ang nabigyan ng munting handog ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at partner companies, sa isinagawang Pasig Day Against Child Labor: Project Angel Tree kahapon, July 1, 2025 sa DoΓ±a Juana Covered Court, C. Raymundo Ave., Brgy. Rosario, Pasig City.

Bilang panimula ng programa, nagbahagi ng kani-kanilang mensahe sina Vice Mayor Dodot Jaworski at mga miyembro ng 12th Sangguniang Panlungsod na sina Konsehal Simon Tantoco, Konsehal Paul Senogat, Konsehal Ryan Enriquez, Konsehal Boyie Raymundo, at Konsehal Warren Inocencio.

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Vice Mayor Jaworski ang mga bata na ang tiyaga at sipag ay hindi lamang dapat gamitin sa pagtatrabaho para mabuhay, kundi lalo na sa pag-aaral para makamit nila ang isang maganda at maliwanag na kinabukasan. Pinaalalahanan din niya ang mga magulang at guardian ng mga bata na huwag ipagkait sa kanila ang karapatang makapag-aral.

Matapos ang mga mensahe, ipinamigay na ang mga munting regalo sa mga batang benepisyaryo ng programa. Kabilang sa kanilang natanggap ay groceries, laruan, pagkain, school supplies, basic mental and health check-up vouchers, at iba pang pangangailangan mula sa partners gaya ng Office of the City Vice Mayor, DOLE PAPAMAMARISAN, Universal Robina Corporation, The Medical City at The Medical City Employees Union, The Quorum International, Fabriano/CYA Industries, Cesta de Pan, UnionBank Employees Association, Astoria Plaza Hotel, Pasig City Hall Construction Consortium, The Tropical Hut Employees Union, National Bookstore, at Jollibee Food Corporation. 

Bukod sa mga bata, nabigyan din ng panimulang tulong-pangkabuhayan ang kanilang mga magulang at guardian sa pamamagitan ng dishwashing livelihood starter kits mula sa Pasig City Tripartite Industrial Peace Council at iba pang labor sector partners sa Lungsod ng Pasig.

β€”

Ang Project Angel Tree ay isa sa mga pangunahing component ng Child Labor Prevention and Elimination Program ng DOLE.

Ang aktibidad na ito ay isa sa mga programang handog ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng Public Employment Service Office, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Pasig 2025.