Pagbisita ni Mayor Vico sa tatlo sa 17 evacuation centers sa Pasig (as of 09:49pm, October 23, 2024)

October 23, 2024

Bumisita sa mga naka-set up nang Evacuation Centers mula sa tatlong barangay: Dela Paz, Manggahan, at Santolan, si Mayor Vico Sotto kaninang hapon (October 23, 2024).
Bukod sa pagbisita ay nagkaroon ng pagkakataon din ang alkalde na kamustahin ang mga paghahandang ginagawa at maging ang sitwasyon sa mga barangay kaugnay ng #KristinePH.
Ang mga nabisita ay tatlo sa 17 Evacuation Centers na naka-set up sa Lungsod ng Pasig. Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang internally displaced persons (evacuees) sa alinmang Evacuation Centers sa lungsod.
PAALALA: Kung magkaroon ng abiso mula sa inyong mga barangay na mag-evacuate na, pinapakiusap na sumunod po sa kinauukulan. Huwag din pong kalimutang dalhin ang inyong Emergency Go Bag, kung lilikas.
Kung may emergency, mangyaring tumawag sa Pasig City Emergency Hotline: 8643 0000.
Mag-ingat po ang lahat at patuloy na mag-monitor ng lagay ng panahon.