Pagbisita ni Mayor Vico at Councilor Pao Santiago sa pinakabagong Centenarian sa Lungsod ng Pasig

December 13, 2023

TINGNAN: Pagbisita nina Mayor Vico Sotto at 11th Sangguniang Panlungsod ng Pasig Committee on Senior Citizens, Retirees, and Veterans Affairs Chairperson Pao Santiago sa pinakabagong Centenarian sa Lungsod ng Pasig noong Lunes, December 11, 2023.
Kasabay ng pagbisita na ito ay ang pagbibigay kay Lola Cita ng Certificate of Recognition at Financial Incentive na para sa centenarians na pinangangasiwaan ng Pasig City OSCA.