Padagos, future public servants mula sa CatSu!
May 6, 2025

๐๐๐๐๐ ๐จ๐ฌ, ๐๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐ฌ๐๐ซ๐ฏ๐๐ง๐ญ๐ฌ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ญ๐๐ฎ!
Bumisita ang mga estudyante ng Catanduanes State University (CatSU) sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa isang educational visit noong Apil 30, 2025.
Ang higit 40-katao na delegasyon ng CatSU ay binubuo ng mga estudyante na nag-aaral ng Political Science at Public Administration mula sa College of Humanities and Social Sciences at ilang miyembro ng faculty at administrative personnel nito, na pinangunahan ni Dear Arthur Tabirara.
Layon ng educational visit na ito na malaman ng future public servants ng CatSU ang best practices ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, partikular ang mga inisyatiba nito laban sa korapsyon.
Nagbigay ng mensahe si Assistant City Administrator Atty. Diego Santiago para i-welcome ang delegasyon ng CatSU sa Lungsod ng Pasig. Sa kanyang mensahe sa mga ito ay nagbigay na rin siya ng overview patungkol sa mga ginawa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Para naman sa best practices, nagkaroon ng diskusyon sa pangunguna ng Public Information Office, kung saan ibinahagi ang mga konkretong ginawa ng lokal na pamahalaan para sa pagsusulong ng good governance, kaugnay din ng anti-corruption efforts ng lungsod. Ilan sa mga nabigyang tutok ang participatory governance, internal good housekeeping, reforms sa proseso ng procurement, at transparency initiatives na siyang nagbigay daan para sa implementasyon ng mga programa, proyekto, at aktibidad sa iba't ibang sektor tulad ng kalusugan, edukasyon, pabahay, serbisyong panlipunan, at iba pa.
Ginamit ito bilang segway sa pagpapakilala ng Ugnayan sa Pasig (USaP) bilang isa sa nagsisilbing cornerstone sa pagsusulong ng transparency sa Lungsod ng Pasig, dahil ito ang nagbigay daan sa operationalization ng Freedom of Information (FoI) sa lungsod.
Ibinahagi nina USaP head Winnie Rayos-Dimanlig ang mga ginagawa ng kanilang tanggapan bukod sa pagtugon sa FoI concerns, tulad ng pagiging feedback mechanism, kung saan maaaring maghain ng concerns, reklamo, at iba pang uri ng feedback ang mga mamamayan patungkol sa mga programa, proyekto, aktbidad, at kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Matapos ang presentations ay nagkaroon ng Question-and-Answer portion kung saan malayang nakapagtanong ang mga etudyante, maging mga miyembro ng faculty tungkol sa mga naging presentasyon.
Nagkaroon din ng pagkakataon si Dean Tabirara na magpaabot ng pasasalamat sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa naging makabuluhang pagbisita ng kanilang delegasyon dahil sa naging takbo ng educational visit nila sa Lungsod. Bagamat hindi na nakapaglibot sa Temporary Pasig City Hall ay naging hitik naman ang pagbabahaginan sa naging diskusyon na ginanap sa Session Hall.
Sa mga estudyante ng CatSU na mga susunod na public servants o kung anuman ang inyong tatahaking propesyon sa hinaharap โ ๐ฉ๐๐๐๐ ๐จ๐ฌ!