PABATID PUBLIKO MULA SA DIALYSIS DEPARTMENT NG PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

May 17, 2023

PABATID PUBLIKO


Ipinapabatid ng Dialysis Department ng Pasig City General Hospital ang pansamantalang pagtigil ng kanilang operasyon sa darating na Sabado at Linggo, May 20-21, 2023, upang bigyang daan ang quarterly preventive maintenance ng dialysis machines, water purification system, at reprocessing machine sa nasabing pasilidad.


Dahil dito, ipinapabatid sa lahat ng pasyente ng Dialysis Department na WALANG ON-CALL HEMODIALYSIS SESSIONS sa mga nasabing araw. Ang kanilang operasyon ay magpapatuloy sa Lunes, May 22, 2023, mula 06:00 a.m. hanggang 08:00 p.m.


Maraming salamat sa inyong pag unawa.