Paalala ng Pasig LGU: Bawal ang Paputok sa Labas ng Designated Zones para sa Ligtas na Bagong Taon!
December 27, 2024
Ngayong papalapit na ang Bagong Taon, ang paalala sa lahat: BAWAL MAGPAPUTOK SA LABAS NG DESIGNATED FIRECRACKER AT PYROTECHNIC ZONES
Ito ay alinsunod sa Pasig City Ordinance No. 69, s. 2017 o ang “Firecracker Regulation Ordinance” na pinagtibay pa ang implementasyon sa ilalim ng Executive Order No. PCG-60, s. 2022.
Tingnan ang material para sa mga designated zone ng inyong barangay (Photos 2-3 | ang designated zones na ito ay mula sa mga barangay at sumailalim sa inspection at clearance mula sa Bureau of Fire Protection) at mga ipinagbabawal na paputok ayon sa issuance ng Philippine National Police - Civil Security Group (Photo 4).
Hangad namin ang ligtas at masayang pagsalubong sa Bagong Taon para sa lahat ng Pasigueño kaya naman inaasahan ang kooperasyon ng lahat patungkol dito.