PAALALA MULA SA PASIG CITY NUTRITION COMMITTEE

July 24, 2024



π— π—”π—šπ—œπ—‘π—š π—”π—Ÿπ—˜π—₯𝗧𝗒, π— π—”π—šπ—œπ—‘π—š 𝗛𝗔𝗑𝗗𝗔, π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗣𝗔𝗑𝗔𝗛𝗒𝗑 π—‘π—š π—¦π—”π—žπ—¨π—‘π—”!
Ang pagkain at inumin ay isa sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay makaligtas.
Siguraduhing ang iyong pamilya ay may sapat na supply ng malinis, ligtas, at sapat na dami ng pagkain.
Mga dapat tandaan:
βœ… Huwag kainin ang laman ng mga de-latang mayroong yupi, expired, nabuksan na, at may kakaibang amoy na.
βœ… Huwag kumain ng mga produktong nalubog na sa tubig baha.
βœ… Suriing mabuti ang frozen goods na nakatengga nang matagal sa room temperature bago iluto at kainin.
βœ… Sa panahon ng sakuna, sa BREASTFEEDING ligtas si baby!
Ang National Nutrition Council ay nag-aabisong isulong ang Executive Order No. 51 o Milk Code, bilang pagsuporta sa Breastfeeding, sa kabila ng sakuna.
Mahigpit na ipinagbabawal ang donasyon ng mga infant formula milk, tsupon, bote ng gatas, at mga instant baby foods na maaaring pamalit sa pagpapasuso.
Mas higit sa ganitong panahon, π˜½π™π™€π˜Όπ™Žπ™π™π™€π™€π˜Ώπ™„π™‰π™‚ ang nararapat isulong!