PAALALA MULA SA PASIG CITY HEALTH PROMOTION
July 25, 2024

PAALALA mula sa Pasig City Health Promotion
Mag-ingat sa mga sakit ngayong panahon ng tag-ulan at pagbaha!
Ang mga karaniwang sakit na maaaring makuha sa panahon ngayon ay ang W.I.L.D. Diseases.
W - Waterborne Diseases mula sa sakit na dulot ng pagkonsumo o pag-inom ng kontaminadong pagkain at tubig.
I -Influenza-like Illnesses dala ng iba't ibang viruses na nagdudulot ng ubo, sipon, lagnat, at iba pa.
L - Leptospirosis dulot ng direktang kontak ng mata, ilong, bibig, at bukas na sugat sa tubig o lupa na kontaminado ng ihi ng daga at iba pang apektadong hayop.
D - Dengue dulot ng kagat ng lamok na Aedis.
Mga mahahalagang paalala:



Bukas ang ating mga health center upang tugunan ang inyong mga pangangailangang medikal. Ang ating mga health workers ay naka-duty rin sa ating mga evacuation sites.
Ingat, Pasigueños!