Paalala: Mga Sakit na Maaaring Makuha sa Panahon ng Tag-ulan at Pagbaha

October 24, 2024

PAALALA PARA SA PANAHON NG TAG-ULAN
Mag-ingat sa mga sakit na maaaring makuha sa ganitong panahon!
Ang mga karaniwang sakit na maaaring makuha ngayong tag-ulan ay ang W.I.L.D. Diseases. Ito ay nangangahulugang:
💧 W - Waterborne Diseases mula sa sakit na dulot ng pagkonsumo o pag-inom ng kontaminadong pagkain at tubig.
🌡I -Influenza-like Illnesses dulot ng iba't ibang viruses na nagdudulot ng ubo, sipon, lagnat, at iba pa.
🐀 L - Leptospirosis dulot ng direktang kontak ng mata, ilong, bibig, at bukas na sugat sa tubig o lupa na kontaminado ng ihi ng daga at iba pang apektadong hayop.
🦟 D - Dengue dulot ng kagat ng lamok na Aedis sp.
Ang mga sintomas ng mga sakit na ito ay maaaring makita sa posters sa ibaba.
Kung urgent ang kalagayan ng pasyente ay dalhin agad sa pinaka-malapit na ospital.
Iwasan ang paglabas at paglusong sa baha. Kung hindi maiiwasan, magsuot ng protective clothing tulad ng bota.
Bukas ang ating mga health center upang tugunan ang inyong mga pangangailangang medikal. Ang ating mga health workers ay naka-duty rin sa ating evacuation sites.