PAALALA: Mag-ingat sa malubhang karamdaman na Leptospirosis!

October 23, 2024

Mag-ingat sa malubhang karamdaman na Leptospirosis!
Isa itong sakit na nakukuha sa paglusong sa baha o pag-inom ng tubig na kontaminado ng ihi ng apektadong hayop.
⚠️ Iwasang lumusong sa baha lalo na kung mayroong mga sugat sa katawan.
💊 Kung hindi naman maiiwasan ang exposure, magpunta sa inyong barangay health center upang makahingi ng angkop na gamot.
💡Alamin ang mga sintomas ng leptospirosis at agad na magpunta sa pagamutan kung makaramdam nito.
Ingat, Pasiguenos!