OPLAN KAAYUSAN IS NOW ON ITS THIRD YEAR!

April 26, 2024



Opisyal na inilunsad ang Oplan Kaayusan noon April 26, 2021. Balikan natin ang tatlong taon nito sa pamamagitan ng "accomplishments by the numbers".
Sa ilalim ng Oplan Kaayusan ay ginawa ang mga sumusunod: pag-aayos ng mga daan (road works), pagpuputol ng mga sangang nakasabit sa mga wires, pag-ayos ng pagkaka-bundle ng wires at pagtanggal ng "dead wires", repainting ng pedestrian lanes, pag-declog ng drainage, pagpapalit o install ng LED streetlights, at marami pang iba!
Bukod sa pagsasaayos ng mga pisikal na imprastraktura sa ating mga daan, layunin din ng proyektong OK sa Pasig na makatulong sa pagpapanatili ng peace and order sa ating siyudad at maging pagpreserba sa kaligtasan ng mga mamamayan.
Kung noong una ay ang City Engineering Department, kasama ang City Environment and Natural Resource Office, lamang ang involved sa OK sa Pasig, sa paglipas ng tatlong taon, nadagdagan na rin ang mga ginagawa rito tulad ng pagsama ng Dengue Control, Vermin Control, at marami pang iba! Kasama na rin sa pagbaba ng OK sa Pasig team ang iba pang departamento tulad ng Sanitation Team, Dengue Task Force. Bukod sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, kasama rin sa mga umiikot ang private service providers (para sa kuryente, internet connection).
Nagiging venue rin ang OK sa Pasig para sa pagbaba sa komunidad ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para marinig ang concerns ng mga residente ng Pasig.
Happy OK sa Pasig!