ONLINE VOTING | SLOGAN AND POSTER-MAKING CONTESTS

November 22, 2024

Ipakita ang inyong suporta sa inyong pambato sa naganap na Slogan and Poster-Making Contest nitong Miyerkules, November 20, 2024.
I-LIKE lamang ang inyong paboritong entries na sa tingin ninyo ay naglalarawan ng diwa ng mahalagang selebrasyon ng Buwan ng mga Bata. Paalala na ang LIKE reactions lamang ang bibilangin—hindi kasama ang ❤️ o 😮.
Bukas ang botohan hanggang 11:59PM ng November 27, 2024, Miyerkules.
Ang online voting na ito ay may dagdag na 5% mula sa total na puntos na kanilang natanggap mula sa Panel of Judges batay sa Criteria for Judging na: Relevance to the Theme (50%); Originality (30%); at Impact and Presentation (15%).
Ang mananalong entries ay magiging opisyal na pag-aari ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at maaaring gamitin sa publications, announcements, at iba pa.
Ang pag-anunsyo ng mga mananalo ay idadaos sa culminating activity ng selebrasyon ng Lungsod ng Pasig para sa ika-32 National Children's Month na gaganapin sa November 29, 2024, sa Kapitolyo Amphitheater.
Huwag na palampasin ang pagkakataong suportahan ang inyong paboritong mga obra!