Online Gender-Based Sexual Harassment
May 21, 2024
Online gender-based sexual harassment (GBHS)?
Bawal yan sa ilalim ng Ordinance No. 16, s. 2024 o ang Safe Spaces Ordinance of Pasig City! Ang ordinansa na ito ang paglo-localize ng Lungsod ng Pasig sa Republic Act 11313 o Safe Spaces Act).
Mga komentong bastos o may sekswal na kahulugan, malaswa, sexist, misogynistic, transphobic, homophobic, cyberstalking at iba, ay ilan lamang sa mga gender-based sexual harassment na ipinagbabawal sa ilalim ng Safe Spaces Act o ang Bawal Bastos Law (See Section 12 of the Republic Act 11313 - Specific Acts and Penalties for Gender-Based Online Sexual Harassment).
#SAFEKaSaPasig | Ang biktima ng online GBSH ay maaaring direktang mag-report o humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation - Cybercrime Division, sa Philippine National Police - Anti-Cybercrime Group, o sa Department of Justice - Office of Cybercrime.
Alamin ang batas, para lahat tayo ay ligtas!
Basahin ang RA 11313 o ang Safe Spaces Act sa link na ito: