NOVEMBER IS NATIONAL CHILDREN'S MONTH
November 7, 2023
Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyon ng National Children's Month ngayong Nobyembre na may temang "Healthy, nourish, sheltered: Ensuring the right to life for all!"
Kahapon, November 6, 2023, isinagawa ang Kick Off Activity ng National Children's Month Celebration bilang parte ng lingguhang Flag Raising Ceremony, kung saan nagkaroon ng pagbigkas ng Panatang Makabata, sa pangunguna ni Councilor Syvel Asilo-Gupilan na Chairperson ng Committee on Children's Affairs ng 11th Sangguniang Panlungsod at performance ng piling mga bata mula sa ECCD.
Para sa pagdiriwang ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na pangungunahan ng Office on Social Welfare Development, inihanda ang mga susunod na month-long activities:
• Children's Caravan (November 6, 10, 13, 17, 20, and 24, 2023) magkasama ang bata at magulang sa Orientation on Fostering Health and Nutrition (sa pakikipagtulungan sa City Health Department); Art Workshop; Face Painting; Film Showing; and Orientation on Child Labor Awareness
• Motorcade (November 7, 2023) na sasalihan ng 30 barangays ng Pasig, BCPC representatives, at ECCD service providers
• Synchronized Laro ng Lahi (November 18, 2023)
• City-wide Paligsining (November 23, 2023) | Tanghalang Rizal
• 3rd National Youth Leadership Summit (November 25-26, 2023) | Rizal High School Gym
• Culminating Activity - Children's Summit (November 29, 2023) | Maybunga Rainforest Park Pavillon and Campsite
Happy Children's Month!
#BuwanNgMgaBata #2023ChildrensMonth