Nominations to the Gawad Parangal sa mga Natatanging Pasigueño 2024 | Deadline Extended
July 2, 2024
At dahil Araw ng Pasig ngayon at narinig namin ang inyong hiling na mas mahaba pang oras para makapag-nomina sa Gawad Parangal sa mga Natatanging Pasigueño .....extended hanggang sa July 15, 2024 ang nomination period para rito!
Para sa mga detalye ukol sa pagnomina sa Gawad Parangal sa mga Natatanging Pasigueño 2024, i-check ang material na ito.
Gabay sa pagbasa ng material:
(PAALALA: Maaaring piliin ang pinakamalapit o related sa field kung wala ang eksaktong larangan sa listahan)
Photo #3: Minimum Qualifications at Ilang Paalala sa Pagnomina
Photo #4: Requirements at Proseso ng Nominasyon
Maaaring i-download ang Nomination Form mula sa link na ito: bit.ly/GPNP2024_NominationForm
(NOTE: Hindi kailangang manghingi ng access para i-edit ang Nomination Form. Para mai-download ang editable na Nomination Form, i-click ang "File," piliin ang "Download" at i-select ang "Microsoft Word (.docx)").
May dalawang paraan para magsumite ng nominasyon:
- Online: I-email ang scanned o pdf file ng nasagutan at pirmadong Nomination Form at kumpletong requirements sa GPNP@pasigcity.gov.ph
Maaaring magpasa hanggang sa July 15, 2024 | 11:59PM
- Hard Copy: Ilakip ang nasagutan at pirmadong Nomination Form at kumpletong requirements sa isang envelope at ipasa ito sa:
THE SECRETARIAT
Gawad Parangal sa mga Natatanging Pasigueño
c/o Cultural Affairs and Tourism Office (CATO)
4/F Revolving Tower, Caruncho Ave., Brgy. San Nicolas, Pasig City
Maaaring magpasa ng hard copy ng nominasyon hanggang sa July 15, 2024 | 05:00PM.
——
Aasahan namin ang inyong mga nominasyon — para sama-sama nating kilalanin ang mga magiging bagong Natatanging Pasigueño!