National Women's Month

March 1, 2023

Bukod sa Fire Prevention Month at Rabies Awareness Month, ipinagdiriwang din tuwing buwan ng Marso ang National Women's Month!


Kaisa ng Philippine Commission on Women (PCW) ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyon na ito na may temang "WE for gender equality and inclusive society." Ang temang ito ay gagamitin simula ngayong taon 2023 hanggang 2028.


Ayon sa PCW, ang pagpapakahulugan sa WE na nasa tema ay Women and Everyone -- na binibigyang diin ng mahalagang papel na ginagampanan ng mga kababaihan at ng bawat isa para maitaguyod ang gender equality. Ibig sabihin din ng WE sa tema ay Women's Empowerment --- na magiging posible lamang ito kung ang lahat ng institusyon, pribado man at publiko, sa nasyunal at lokal man na lebel ay magtutulungan para makapagbigay ng mga oportunidad sa mga kababaihan. 


Para sa iba pang detalye ukol sa selebrasyon ng National Women's Month, i-click na ito: https://pcw.gov.ph/national-womens-month/


Samantala, abangan ang 2023 National Women's Month activities sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig!


#WEcanbeEquALL