National Finalists | Outstanding SK Council Category - Federation
August 6, 2024
Laban, Kabataang Pasigueño!
Kabilang sa mga tinanghal bilang National Finalists ng 5th Sangguniang Kabataan Awards ang Sangguniang Kabataan ng Pinagbuhatan at Pasig City Sangguniang Kabataan Federation.
Isa ang Pasig SK Pederasyon sa National Finalists sa Outstanding SK Council Category - Federation; samantalang ang Sangguniang Kabataan ng Pinagbuhatan naman ay isa sa National Finalists ng Outstanding SK Council Category- Barangay.
Bukod sa mga SK, bida rin ang Kabataang Pasigueño sa kategorya ng Outstanding Impact Circle para sa 1st Positive Youth Development Awards dahil itinanghal na National Finalist ang PasigLaban Kabataan —— isa sa mga youth serving organization/youth organization sa Lungsod ng Pasig!
Nasa higit 500 entries ang dumaan sa mabusising proseso ng Paper Screening at Impact Validation para mapagdesisyunan kung sino ang aabante bilang National Finalists.
Ang National Finalists ay magkikita pang muli sa Grand Finals kung saan magkakaroon ng final presentation para mapili ang tatanghaling kampeonato kada category.
[Material Credit: Philippine Sangguniang Kabataan Awards]