National Disability Prevention and Rehabilitation Week

July 17, 2023









Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyon ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week simula July 17-23, 2023 na may temang “Aksesibilidad at Karapatan ng mga Taong may Kapansanan: Daan Tungo sa Sustenableng Kinabukasan na Walang Maiiwan.”

Opisyal na inilunsad ang pagsisimula ng selebarasyon nito sa pamamagitan ng pagbubukas sa publiko ng isang PHOTO EXHIBIT sa Pasig City Hall Lobby. Ang nasabing exhibit ay binubuo ng 28 larawan na kuha ng 14 children and youth with disabilities mula sa Pasig City Children with Disability Under Parent Federation Inc. 

Sa pamamagitan ng mga larawang ito, naipamalas ng children with disability ang kanilang angking talento at ito rin ang nagsilbing paraan upang maipahayag ang kanilang mga damdamin at saloobin. 

Ang photo exhibit ay naging posible sa pangunguna ng Pasig City Persons with Disability Affairs Office. Ito ay bukas sa publiko simula ngayong araw at magtatagal hanggang Biyernes (July 17-21, 2023), mula 08:00 a.m. hanggang 05:00 p.m.