National Breastfeeding Month | Closing the Gap: Breastfeeding Support for All

August 3, 2024

August is National Breastfeeding Month!
Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyon ng National Breastfeeding Month ngayong buwan ng Agosto na may temang "Closing the Gap: Breastfeeding Support for All."
Layon ng selebrasyon ngayong taon na palakasin ang suporta sa pagpapasuso upang mabawasan ang hindi pagkakapantay-pantay at diskriminasyong umiiral sa ating lipunan kaugnay nito, at mabigyang diin din ang kahalagahan ng pagpapasuso sa panahon ng mga sakuna at krisis.
Ang selebrasyon nito sa Lungsod ng Pasig ay pangungunahan ng City Health Department - Pasig City Nutrition Committee. I-follow at i-check ang kanilang page para sa updates.
Ngayong National Breastfeeding Month, patuloy pa nating paigtingin ang pagsuporta sa mga nagpapasusong ina sa pamamagitan ng paglikha ng isang ligtas na kapaligiran upang mapakain ang kanilang mga sanggol - kahit saan, anumang oras, at pagkakataon.