National Bike to Work Day 2023

November 28, 2023

Makikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa National Bike to Work Day bukas, November 29, 2023!

Magkakaroon ng mini-bike ride na magsisimula sa Pasig City Hall Quadrangle papunta sa Pasig City Science High School, at pabalik ng Pasig City Hall Quadrangle ganap na 06:30AM. 

Asahan na makakasabay ang ating bikers na mula sa City Hall na babaybayin ang Market Ave, Mercedes Ave., Luis St., Eusebio Ave., Jenny’s Ave. Ext. Legaspi St., hanggang sa Pasig City Science High School at parehong ruta pabalik ng Pasig City Hall Quadrangle. 

Tayo na! Sabay-SaBike na magbisikleta kasama ng mga katrabaho o kaklase para isulong ang kalusugan, kalikasan, at kaligtasan sa National Bike to Work Day!