Narito na ang Batch 3 ng PVC ID Data Capturing para sa mga Senior Citizen (May 5โ28, 2025)
April 30, 2025

๐๐๐ข๐ฌ๐จ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฌ๐๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐๐ง๐ฌ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ: ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐ฅ๐จ๐ , ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ , ๐๐๐ง๐ข๐จ๐ ๐๐ง, ๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐๐ง, ๐๐ญ๐จ. ๐๐จ๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ญ ๐๐ ๐จ๐ง๐
Narito po ang schedule ng mga barangay na kabilang sa Batch 3 ng pagpapalit ng Senior Citizen ID para maging PVC ID na ito.
Paalala po na ang lahat ng senior citizen mula sa mga nasabing barangay na rehistrado sa Pasig City OSCA at kasalukuyang may Senior Citizen ID ay kailangang sumailalim sa data capturing para makapagpalit patungo sa isang PVC ID.
Gabay sa pagbabasa ng material:
Photo #2: Proseso ng Data Capturing para sa PVC ID
Photo #3: Mahahalagang paalala kaugnay ng pagpapalit ng Senior Citizen ID para maging PVC ID
Photo #4: Schedule at Venue ng Data Capturing para sa mga barangay na nabanggit | May 5-28, 2025
๐๐๐ง๐ ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐จ๐ ๐จ๐๐๐๐๐ช๐ก๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐ ๐๐๐ฅ๐ฉ๐ช๐ง๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ง๐๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐ช๐ฃ๐๐จ๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐๐, ๐๐ฃ๐ฉ๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐จ๐ช๐จ๐ช๐ฃ๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ช๐ฃ๐จ๐ฎ๐ค ๐ฅ๐๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐ ๐ค๐ก ๐๐๐ฉ๐ค. Ipo-post po ito sa Facebook Page ng Pasig City Public Information Office at Pasig City Office for Senior Citizens Affairs sa oras na mapinalisa na ang mga detalye at koordinasyon sa mga barangay kaugnay nito. Maaari ring makibalita sa pamamagitan ng Senior Help Desk Officer sa inyong mga barangay.
Kung may nais linawin patungkol sa aktibidad na ito, maaaring po kayong magpadala ng mensahe sa Facebook Page ng Pasig City OSCA o makipag-ugnayan sa inyong Senior Citizen Help Desk Officer.
Paalala rin po na hindi kailangang pumila nang maaga sa venue. Mangyaring pumunta sa venue ayon sa schedule ng inyong barangay. Dahil din sa init ng panahon o paminsang pag-ulan, hinihikayat po ang lahat na magdala ng payong, pamaypay, at sariling tubig.
Bukod pa rito, pinapakiusap na magsuot ng t-shirt, polo, o polo shirt sa araw ng data capturing sa inyong barangay para masiguro na maayos magiging photo sa PVC ID.
Maraming salamat po at inaasahan po ang kooperasyon ng mga senior citizen at kanilang kaanak para sa maayos na pagsasagawa ng aktibidad na ito.