Mutya ng Pasig: Mga Kabihisan at Kabihasnan

March 21, 2024

Pasigueños!
Halina’t tuklasin ang taglay na kagandahan at kahalagahan ng mga obra ng ilan sa mga natatanging Pasigueño sa larangan ng sining sa “Mutya ng Pasig: Mga Kabihisan at Kabihasnan” A Historical Fashion and Art Exhibition Opening Night. Ito ay gaganapin bukas, March 22, 2024, 05:00PM, sa Ground Floor (East Wing), Estancia Mall, Capitol Commons. Parte ng Opening Night ay isang Fashion Show tampok ang mga obra ng Pasigueño Fashion Designers na irarampa ng ilan sa ating Mutya ng Pasig 2023 winners.
Pagkatapos ng opening night, ang art exhibit na gaganapin sa 2/F (East Wing) ay bubuksan sa publiko hanggang April 11, 2024. Kaya naman ano pa ang hinihintay ninyo? Ayain na ang pamilya at barkada, at huwag palampasin ang pagkakataon na makita ang kahalagahan ng sining sa ating lungsod!
Ang aktibidad na ito ay kaugnay pa rin ng selebrasyon ng National Arts Month noong Pebrero at National Women’s Month ngayong buwan ng Marso. Bahagi ng malilikom na halaga mula sa mga mabibiling likhang sining ay ipagkakaloob sa Grace to be Born, Inc.
Naging posible ang aktibidad na ito sa pangunguna ng Pasig Art Club katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pangunguna ng Sangguniang Panlungsod Committee on Cultural and Spiritual Affairs at Committee on Gender and Development, Estancia Mall, at Pasigueño Fashion Designers.