Musikang Handog Para sa Pasigueño sa Ika-450 Taon ng Bayan ng Pasig

September 21, 2023

Talaga namang mapapa-thank God it’s Friday (TGIF) tayo bukas, September 22, 2023 dahil the Philippine Philharmonic Orchestra and the Philippine Madrigal Singers are coming to town! 

Matapos tayong haranahin ng Pasig City Band nung Biyernes noong isang linggo, September 15, 2023, ang PPO at Madz naman ang may LIBRENG concert sa Pasig na pinamagatang, Musikang Handog Para sa Pasigueño sa ika-450 Taon ng Bayan ng Pasig!

Samahan ninyo kami bukas para sa isang gabing punum-puno ng musika, handog ng PPO at Madz! Magsisimula ang concert ganap na 07:00 ng gabi sa ICC - Pasig, at magsisimulang tumanggap ng mga manunuod ng 06:30 ng gabi. 

Naging posible ang Musikang Handog sa pagtutulungan ng Cultural Center of the Philippines, Tanggapan ni Congressman Roman T. Romulo, Pamahalaang Lungsod ng Pasig, at Immaculate Conception Cathedral of Pasig. 

Kita kits! 

#PanahonNgPasigueño