Music Appreciation Program para sa mga Kabataang Pasigueño 2025

May 3, 2025

Magkakaroong muli ng Music Appreciation Program para sa mga Kabataang Pasigueño!

Para sa mga may edad 9-18 taong gulang na interesadong matutong tumugtog ng musical instruments at bumasa ng musical notes mula sa mga miyembro ng Pasig City Symphonic Band (PCSB), ito na ang pagkakataon ninyo!

I-check ang material para sa listahan ng instrumentong maaaring matutunan sa ilalim ng Music Appreciation Program. 

Para makapag-register, pumunta sa Rehearsal Hall ng PCSB sa PCSB Barracks sa Plaza Bonifacio, Lunes hanggang Biyernes, 07:00AM - 04:00PM, libang kung holiday.

Magsisimula ang registration sa darating na Lunes, May 5, 2025 hanggang May 16, 2025. [Wala pong registration sa May 12, 2025 dahil Election Day]

Para mas mapadali ang registration process, maaaring i-download ang Registration Form sa pamamagitan ng link na ito: https://bit.ly/PasigCity_MAP_2025_RegForm 

Sagutan ito at ipasa sa sa PCSB Barracks.

See you,  mga Batang Pasigueño!

#PCSB

#CATO

#PasigCity

#UmaagosAngPagAsa

#BatangPasigueño