Music Appreciation Program para sa mga Kabataang Pasigueño 2024

May 8, 2024



Magkakaroong muli ng Music Appreciation Program para sa mga Kabataang Pasigueño!
Para sa mga edad 9-16 taong gulang na interesadong matutong tumugtog ng musical instruments mula sa Pasig City Band, ito na ang pagkakataon ninyo!
I-check ang material para sa listahan ng instrumentong maaaring matutunan sa ilalim ng Music Appreciation Program.
Para makapag-register, pumunta sa tanggapan ng Cultural Affairs and Tourism Office (CATO) sa 4/F ng Revolving Tower, 07:00AM - 04:00PM, Lunes hanggang Biyernes, simula bukas, May 9, 2024 hanggang May 17, 2024.
Para mas mapadali ang registration process, maaaring i-download ang Registration Form sa pamamagitan ng link na ito: bit.ly/PasigCityMAPRegForm sagutan ito at ipasa sa CATO.