Modified Work Schedule (Alinsunod sa MMDA Resolution No. 24-08, s. 2024 na pinagtibay ng Executive Order PCG No. 12, s. 2024)

April 17, 2024

Heads up!
Sa May 2, 2024 ay magsisimula na ang pagpapatupad ng Modified Work Schedule sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Ito ay alinsunod sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution No. 24-08, s. 2024 na pinagtibay ang magiging implementasyon sa Lungsod ng Pasig sa pamamagitan ng Executive Order PCG No. 12, s. 2024.
I-check ang material na naglalaman ng Modified Work Schedule kung saan karamihan ng mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ay magtatrabaho simula 07:00AM - 04:00PM. May mga empleyado naman na mananatiling nakatalaga na pumasok ng 08:00AM - 05:0PM para masiguro ang pagpapatuloy ng serbisyo publiko.
Samantala, may mga empleyado na hindi maaapektuhan ang work hours -- ito ay yung mga may sinusunod na shifting sa schedule (hal., mga nakatalaga sa traffic management, emergency preparedness and response, at peace and order).
Maa-access ang kopya ng nasabing EO sa link na ito:
Maaari ring pakinggan ang anunsyo ni Mayor Vico Sotto tungkol sa Modified Work Schedule sa flag-raising ceremony noong Lunes, April 15, 2024. Mapapanuod ang kanyang mensahe mula sa link na ito (time code ng tungkol sa schedule: 01:57-03:56)