MOBILE FAMILY PLANNING CLINIC x ONE-STOP SHOP MOBILE DIAGNOSTIC CLINIC
March 5, 2024
Magkasunod na pinasinayaan ang Mobile Family Planning Clinic at One-Stop Shop (OSS) Mobile Diagnostic Clinic matapos ang flag-raising ceremony kahapon, March 4, 2024.
Sa Lungsod ng Pasig, maaaring sumangguni ang mga Pasigueño sa 43 health centers nito na nasa 30 barangays ng lungsod. At sa pamamagitan ng bagong mobile facilities, layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pangunguna ng City Health Department, na mas mailapit pa ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga Pasigueño!
Sa Mobile Family Planning Clinic, maaaring makapagpa-counselling, pap smear, at maka-access sa contraceptives kabilang ang Implanon. Samantala, sa OSS Mobile Diagnostic Clinic naman ay maaaring makapagpa-urinalysis, stool test, ECG, at chest xray.
Gustong makapag-avail ng libreng serbisyo mula sa dalawang mobile clinics? Magkakaroon ng anunsyo kung kailan magsisimula ang deployment ng mga ito sa mga barangay sa Pasig!
Habang hinihintay ang deployment schedule ng mga ito, para sa mga nangangailangan ng family planning services (bukod sa health centers sa inyong mga barangay), maaaring magtungo sa Family Planning One-Stop Shop sa Brgy. Bagong Ilog. Bukas ito ng Lunes hanggang Biyernes, liban kung holiday, simula 08:00AM - 05:00PM. Libre po ang lahat ng serbisyo rito.
I-check ang posts ni Mayor Vico Sotto tungkol dito:
OSS Mobile Diagnostic Clinic: https://bit.ly/MVS_OSS_Diagnostic_Clinic
Mobile Family Planning Clinic: