MMDA ADVISORY | Suspension of Expanded Number Coding Scheme (July 25, 2024)

July 24, 2024

ABISO MULA SA MMDA
Suspendido pa rin ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) bukas, HULYO 25 (HUWEBES), kasunod ng anunsiyo ng Malacanang na walang pasok sa mga sangay ng pamahalaan at lahat ng antas ng paaralan sa Metro Manila, Region III at Region IV-A dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng bagyong #CarinaPH at Southwest Monsoon.
Paalala sa mga motorista: Iwasan ang pagbiyahe kung hindi kinakailangan.
Mag-doble ingat sa pagmamaneho dahil sa madulas na kalsada dala ng pag-ulan.