MINT College Scholarship Program: Deadline Extended Until May 9, 2025

May 6, 2025

May panahon pa para humabol sa pagsusumite ng inyong MINT scholarship application!
Para sa mga incoming Grade 11 student na nagnanais mag-enroll sa General Academic Strand; Humanities and Social Sciences; at Accountancy, Business, and Management, ang bagong deadline ay sa darating na Biyernes, May 9, 2025.
Don't miss the opportunity! Magtungo lamang sa opisina ng Pasig City Youth Development Office simula 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon upang magpasa ng inyong documentary requirements.
Para sa mga paglilinaw, mangyaring magpadala lamang ng mensahe sa mga nabanggit na communication channel. #MINTCollege