MEGA JOB FAIR SA AYALA MALLS THE 30TH!

July 19, 2023








LAST DAY NA BUKAS!

Sa mga hindi pa nakakapunta sa Mega Job Fair sa Ayala Malls The 30th, pwedeng pwede pang makahabol hanggang bukas!

Sa ikatlo at huling araw ng job fair, may mga kasamang overseas agencies na nangangailangan ng waiters, housekeepers, bakers, chefs, caregivers, at bartenders. 

Para naman sa mga local companies, na nasa material (photo#2) at ilan sa mga kumpanya na kasama sa Day 1 ng Job Fair, kabilang na rin ang Ayala Malls at Meralco, marami ring kumpanya na naghahanap ng service crews, customer service representatives, merchandisers, admin assistants, nurses, drivers, human resource administrators, accountants, at encoders!

Bukas ang job fair kahit para sa mga nakatungtong sa high school or senior high, skilled workers, bagong graduates na wala pang experience, o mga matagal nang naka-graduate! Wala ring age limit, kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Pumunta na sa Mega Job Fair! Tumatanggap ang mga kalahok na kumpanya ng mga aplikante simula 09:00AM hanggang 04:00PM. Magdala lamang ng maraming kopya ng inyong resume at sariling ballpen. 

Tampok din sa Job Fair na ito ang one-stop shop employment requirements, na higit na makakatulong para sa first-time jobseekers! Para sa mga nais makapag-avail ng libreng serbisyo (hal: police clearance at NBI clearance) o makapagparehistro sa BIR, PAGIBIG, PhilHEALTH, SSS, magdala ng: Barangay Certification na nagsasaad na ikaw ay: first-time jobseeker at residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang residente ng nasabing barangay); Valid ID; at sariling ballpen.

Ang Mega Job Fair ay matatagpuan sa 3/F Activity Center ng Ayala Malls The 30th. Ang Ayala Malls The 30th ay matatagpuan sa #30 Meralco Avenue, Ortigas Center, Brgy. Ugong. Malapit ito sa Central Office ng Department of Education at katabi ng The Renaissance. 

Kita kits!

#PanahonNgPasigue├▒o