Mega Job Fair, Mega Trade Fair, Mega Cooperative Fair!

July 18, 2023

Kita kits sa Activity Center ng Ayala Malls the 30th para sa Mega Job Fair, Mega Trade Fair, at Mega Cooperative Fair!

Para sa mga gustong maghanap ng trabaho, magdala lamang ng maraming kopya ng inyong resume at sariling ballpen dahil nasa 30 kumpanya KADA araw simula ngayon, July 18, 2023 hanggang sa Huwebes, July 20, 2023 ang lalahok sa Mega Job Fair na gaganapin sa 3/F ng Activity Center. 

Para naman sa mga interesadong sumuporta sa local MSMEs at kooperatiba sa Pasig, magtungo sa 1/F para sa Mega Cooperative Fair at sa 2/F para sa Mega Trade Fair simula ngayong araw hanggang sa Linggo, July 18-23, 2023 kung saan nasa higit 10 kooperatiba at halos 40 MSMEs ang lalahok. 

Handog ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig kaugnay ng selebrasyon ng ika-450 Araw ng Pasig, sa pangunguna ng Pasig City Local Economic Development and Investment Office, Peso Pasig (Public Employment Service Office), at Cooperative Development Office.  

#PanahonNgPasigue├▒o