MEGA JOB FAIR (Local and Overseas Employment) | February 18, 2024

February 23, 2024



JOB FAIR ALERT!
Sa darating na Miyerkules, February 28, 2024, magkakaroon ng MEGA JOB FAIR at ONE-STOP SHOP PARA SA FIRST-TIME JOB SEEKERS na gaganapin sa Pasig City Hall Quadrangle, simula 09:00AM hanggang 03:00PM.
Halos 60 local at overseas companies ang magbubukas ng oportunidad para sa mga PasigueƱo na naghahanap ng trabaho. Kaya sa mga gustong makilahok sa job fair na ito, ihanda na ang maraming kopya ng inyong updated resume at sariling ballpen!
Kung ikaw naman ay first-time jobseeker at nais mag-avail ng LIBRENG pagkuha ng police clearance o kaya naman pagpaparehistro sa BIR, Pag-IBIG, PhilHealth, at SSS, dalhin lamang ang mga sumusunod: Barangay Certification na nagsasaad na ikaw ay: first-time jobseeker at residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang residente ng nasabing barangay); at valid ID.
Para sa mas smooth na registration process sa darating na job fair, maaari nang mag pre-register sa link na ito: https://forms.gle/U3HE11xss44PMiw69. Pwede na ring sagutan at i-print ang National Skills Registration Program (NSRP) Jobseeker Registration Form (bit.ly/NSRPJobseekerRegistrationForm). Ang mga nasabing online pre-registration at NSRP Form ay makakatulong sa Labor Market Information na ginagawa ng Pasig City Public Employment Service Office (PESO) at ipinapasa sa Department of Labor and Employment.
Kaya naman ano pa ang hinihintay niyo, PasigueƱos? Mag-print na ng maraming kopya ng inyong resume dahil ito na pagkakataon na magkaroon ng trabaho!
Ang aktibidad na ito ay naging posible sa pangunguna ng PESO, sa pakikipagtulungan sa iba't ibang sangay ng nasyonal na pamahalaan at partner employers.