Mega Job Fair: Local and Overseas Employment

December 4, 2023



JOB FAIR ALERT! 

Nabitin sa Overseas Caravan kahapon? Huwag mag-alala dahil may Mega Job Fair para sa local at overseas employment bukas, December 5, 2023, sa 3/F Robinsons Metro East, 10:00AM hanggang 04:00PM!

Ang Mega Job Fair na ito ay isasagawa sa pakikipag-ugnayan ng Pasig City Public Employment Service Office sa Department of Labor and Employment at kaugnay ng pagdiriwang ng ika-90 anibersaryo ng nasabing tanggapan.

Nasa halos 40 kumpanya na ang nagpahayag ng pagdalo sa event na ito kaya naman hinihikayat ang lahat, lalo na ang first time job seekers na dumalo at maghanda ng maraming kopya ng inyong mga resume at sariling ballpen! Ihanda rin ang sarili dahil maaaring ma-interview at mapabilang sa mga maha-hire-on-the-spot!

Ang job fair na ito ay magsisilbi ring ONE-STOP SHOP para sa employment requirements dahil maaari ring magpropreso rito ng mga dokumento mula sa SSS, BIR, Pag-Ibig, at PNP (Police Clearance). 

Para sa first time job seekers na kukuha ng libreng police clearance, magdala ng Barangay Certificate at Oath of Undertaking mula sa inyong mga barangay na nagpapatunay na kayo ay first time job seekers.

Maaaring i-check ang job openings sa link na ito: bit.ly/PC_MegaJobFair_2023Dec 

Kita kits, PasigueƱos!