Mayor Vico, Umikot sa mga Bukas pang Evacuation Center para I-check ang Kalagayan ng Internally Displaced Persons (Evacuees) sa Lungsod ng Pasig
July 26, 2024
Hindi natapos ang araw nang hindi muli umikot sa mga bukas pang Evacuation Centers sina Mayor Vico Sotto para i-check ang kalagayan ng internally displaced persons (evacuees) sa Lungsod ng Pasig.
Ilan sa mga Evacuation Centers na nabisita ng July 25, 2024, Huwebes, ang mga nasa barangay Sta. Lucia, Santolan, at Manggahan.
Noong Miyerkules ng tanghali ay umikot din sina Mayor Vico sa mga Evacuation Center sa Rosario, San Joaquin, Bagong Ilog, at Santolan. (Nasa post na ito ang updates kaugnay ng bukas pang evacuation centers: https://bit.ly/3Wyiyed)
Bukod sa Evacuation Centers, nagpunta rin sila sa F. Manalo Bridge sa Barangay Manggahan para malaman ang kasalukuyang lagay nito.
Noong Miyerkules ng gabi hanggang madaling araw ng Huwebes ay chineck din nina Mayor Vico ang rescue operations para makuha ang empleyado mula sa isang construction firm na nakasakay sa barge na nabangga sa nasabing tulay.