MAY PERA SA BASURA!

December 21, 2022



Umabot sa halos PHP6.7 million ang kabuuang bid price sa katatapos na auction para sa disposal ng  iba't ibang unserviceable properties, scrap and waste materials, at vehicles na pagmamay-ari ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig. 

Nasa 39 prospective bidders ang bumili ng Bidding Documents, samantalang nasa 19 bidders ang opisyal na nagpasa ng bids at dumalo sa actual opening of bids noong December 16, 2022.