May is Ease of Doing Business Month!

May 6, 2025

Bukod sa selebrasyon ng National Heritage Month, ipinagdiriwang din ang Ease of Doing Business Month tuwing buwan ng Mayo, sa bisa ng Office of the President Proclamation No. 818 na nagsimula ngayong 2025.
Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa inaugural observance nito na may temang "From Red Tape to Red Carpet | Better Business Movement in a Bagong Pilipinas."
Sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sinisiguro ang pagpapairal ng transparency at accountability sa pamamagitan ng mga Citizens Charter at pagsiguro na updated ang mga ito para maging basehan ng requirements, oras ng pagproseso, kung sino ang accountable individuals, maging ang fees na dapat bayaran.
Sa pamamagitan ng paglalatag ng malinaw na guidelines na accessible sa lahat ng stakeholders, partikular sa pagnenegosyo at para sa transacting public nito, itinataguyod ng Pamahalaang Lungsod ang isang inklusibo, sustainable, at development-driven na Lungsod ng Pasig.
Happy Ease of Doing Business Month!