MARCH IS RABIES AWARENESS MONTH: RABIES FREE NA PUSA'T ASO, KALIGTASAN NG PAMILYANG PILIPINO
March 2, 2024
Bukod sa National Women's Month, March is also Rabies Awareness Month!
Para salubungin ang Rabies Awareness Month ngayong buwan, nagkaroon ng libreng pagbabakuna ng anti-rabies vaccine, RFID microchipping, at pagkakapon ng mga aspin at puspin kahapon, March 1, 2024, sa Maybunga Rainforest Park.
Nasa 237 aso at pusa ang nakatanggap ng anti-rabies vaccine; 85 ang nalagyan ng RFID microchip; at 88 naman ang nakapon.
Para sa mga susunod pang pagkakaloob ng libreng anti-rabies vaccine, RFID microchipping, at iba pang serbisyo, i-check ang Facebook Page ng Veterinary Services Department of Pasig City.
Para sa pagsusulong ng rabies-free na pusa't aso at kaligtasan ng pamilyang Pilipino!