MARCH IS RABIES AWARENESS MONTH!

March 1, 2023



Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso na may temang "Rabies-free na pusa't aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino."


Bilang parte ng selebrasyon, nagkaroon ng programa na ginanap ngayong araw, March 1, 2023 sa Pasig City Hall - Quadrangle tampok ang mga mensahe nina Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski, Department of Agriculture - Bureau of Animal Industry Director at National Rabies Prevention and Control Committee Chair Dr. Paul Limson, Department of Health - Disease Prevention and Control Bureau Director Dr. Razel Nikka Hao at Program Manager for Rabies Dr. Raffy A. Deray, Department of the Interior and Local Government - Pasig City Director Visitacion Martinez, at Philippine Veterinary Medical Association Immediate President Dr. Bernard Baysic. Dinaluhan din ito ni DoH Metro Manila Center for Health Development Regional Director Aleli Sudiacal. 


Bukod dito, parte rin ng nasabing programa ang paggawad ng parangal sa mga Best Barangay Rabies Program Implementers and Field Control of Strays.


Highlight ng kick-off ceremony ang pagsasagawa ng libreng Anti-Rabies Vaccination, RFID Microchipping, at kapon para sa mga alagang pusa at aso. Sa kabuuan, 156 alagang aso at pusa ang nabakunahan ng Anti-Rabies,133 na mga alaga naman ang nalagyan ng microchips, at nasa 125 pre-registered na alaga ang sumailalim sa proseso ng pagkakapon. 


Layunin ng nasabing proyekto ang pagsulong ng Rabies-Free City at masiguro na protektado sa anumang uri ng sakit ang mga alagang hayop sa Lungsod ng Pasig. 


Ang proyektong ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng Veterinary Services Department of Pasig City, sa mga nabanggit na ahensya na parte ng programa at suporta mula sa pet partners na Vitality Dog Food Ph, PET ONE Pet Food, Nutri Chunks PH, Pet Specialists, Avli Biocare, at Doggies’s Choice.