MARCH IS NATIONAL WOMEN'S MONTH!
March 1, 2024
March is National Women's Month!
Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagdiriwang ng National Women's Month ngayong Marso na may sub-theme na: Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan Patutunayan!
Ang sub-theme para sa ngayong taon ay kaugnay pa rin umbrella theme para sa anim na taong selebrasyon ng Women's Month na: "WE for gender equality and inclusive society."
Manatiling nakaabang din sa updates sa activities na ito mula sa GAD Office sa pamamagitan ng kanilang official na Facebook Page: Pasig City Gender And Development Office
----
Ayon sa Philippine Commission on Women, ang pagpapakahulugan sa WE na nasa tema ay Women and Everyone -- na binibigyang diin ng mahalagang papel na ginagampanan ng mga kababaihan at ng bawat isa para maitaguyod ang gender equality. Ibig sabihin din ng WE sa tema ay Women's Empowerment --- na magiging posible lamang ito kung ang lahat ng institusyon, pribado man at publiko, sa nasyunal at lokal man na lebel ay magtutulungan para makapagbigay ng mga oportunidad sa mga kababaihan.