Mahalagang Paalala mula sa Veterinary Services Department of Pasig City
September 2, 2024
Huwag kalimutang isama ang ating mga alaga sa pag-evacuate tuwing masama ang panahon.
1. Gumawa ng Disaster Plan kasama ang pamilya
(Huwag kalimutang isama sa pagpa-plano ang kapakanan ng mga alaga)
Sa paggawa ng Disaster Plan, isama ang paglilista ng pet-friendly options, tulad ng:
- Hotels
- Mga kamag-anak na pwedeng mag-alaga sa alaga
- Evacuation Centers ng lokal na pamahalaan
- Boarding facilities o pet shelters
2. Siguraduhing may suot na identification ang mga alaga at dalhin din ang mahalagang dokumento nila:
- Lagyan ng collar na may pangalan ng alaga at contact number o para sa lifetime identification ng alaga, iparehistro ito para mapalagyan ng RFID microchip
- Vaccination Record
- Photo kasama ang alaga
3. Kung may Emergency Go Bags ang pamilya, maghanda rin ng Go Bag para sa mga alaga na may lamang:
-Pagkain
-Tubig
-Tuwalya/Kumot
-Bowls (lalagyan ng pagkain at tubig)
-Gamot
-Vaccination Records
-Leash/Collar
-Laruan/treats
-Carrier/crate
4. Ihanda ang sarili, ihanda ang mga alaga, at lumikas sa oras na sabihin ng awtoridad
Kung hindi ligtas para sa tao ang isang lugar, hindi rin ito ligtas para sa ating mga alaga.
Mag-ingat po ang lahat!
#WagIwananSiBantayAtMuning #NoPetsLeftBehind