MAHALAGANG PAALALA MULA SA PASIG CITY GENDER AND DEVELOPMENT OFFICE
July 24, 2024
MAHALAGANG PAALALA MULA SA Pasig City Gender And Development Office
Ngayong #CarinaPH, mahalaga ang pagbibigay pansin sa kaligtasan at proteksyon ng mga indibidwal na nabibilang sa vulnerable sectors gaya ng mga buntis, bata, nakatatanda, may kapansanan, homeless street families, at iba pang most at-risk individuals.
Unahin at isama natin sila sa ating paglikas. Tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa anumang oras at siguruduhin na walang sinuman ang maiiwanan.
Para sa emergency, tumawag sa Pasig City Command Center Hotline: (02) 8643-0000
Stay safe and dry everyone!