Mahalagang Anunsyo Para sa Solo Parents sa Lungsod ng Pasig
October 16, 2024
Magkakaroon ng distribusyon ng cash subsidy para sa eligible solo parents para sa buwan ng Hunyo hanggang Setyembre para sa taong 2024 bukas at sa Biyernes, October 17-18, 2024 na gaganapin sa Covered Court ng San Miguel Elementary School.
I-check ang material para sa mga detalye, partikular ang mga paalala na naglalaman ng requirements na kailangang dalhin sa araw ng payout.
Para sa listahan ng mga benepisyaryo, schedule, at oras ng payout, mangyaring makipag-ugnayan sa solo parent coordinators sa inyong mga barangay.