Maagang Pamasko mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig

December 15, 2023

MAAGANG PAMASKO MULA SA PAMAHALAANG LUNGSOD NG PASIG ANG ATING MATUTUNGHAYAN SA DARATING NA LINGGO!
Bukod sa mga pasabog floats na paparada sa Paskotitap Float Parade 2023, bonggang lineup din ng performers ang dapat abangan sa Linggo, December 17, 2023 na gaganapin sa Bridgetowne!
Para mas maging mas masaya ang ating selebrasyon, inimbitahan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang mga bonggang performer na sina: ELY BUENDIA, GLOC 9, DONEKLA, SENYAH, at TAKE BACK JULIE.
Bago ang concert, magkakaroon ng pre-show kung saan muli nating mapapanuod ang winning groups ng Himig Pasigueño at Hataw Pasigueño.
Kaya naman mark your calendars, isama na ang buong pamilya at barkada, at makisaya na sa bonggang selebrasyon na ito bago matapos ang taon!
Para naman sa mga hindi makakapunta sa Bridgetowne, sagot namin kayo! Ila-live ng Pasig City PIO ang buong kaganapan mula sa pre-show, float parade, at pangmalakasang concert!
Kita kits, Pasigueños!