Lungsod ng Pasig, wagi rin sa katatapos na 2024 Regional Festival of Talents!

April 27, 2024

Back-to-back champions ang mga kabataang Pasigueño dahil matapos makamit ang podium finish sa Palarong Panrehiyon ng National Capital Region (NCR) kahapon, nasungkit din ng mga delegado mula sa Schools Division Office (SDO) of Pasig City ang titulo bilang pagiging Overall Champion sa 2024 Regional Festival of Talents na ginanap simula April 25, 2024 hanggang ngayong araw, April 27, 2024!
Pagpupugay sa mga kabataang Pasigueño at sa mga guro sa ilalim ng SDO - Pasig City na gumabay sa ating mga delegado — dahil nakapag-uwi na naman kayo ng karangalan para sa ating lungsod! Kayo ang patunay na patuloy na umaagos ang pag-asa sa Pasig at na ang mga BatamPasig, tunay na talentado!
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig — congratulations sa inyo! Lubos kayong ipinagmamalaki ng Lungsod Pasig at maging ng mga Pasigueño!
--
Ang mga nagwagi sa Regional Festival of Talents ang siya namang magiging representante ng National Capital Region sa darating na National Festival of Talents!
Ang Festival of Talents ay taunang aktibidad ng Department of Education na layong bigyan ng venue ang mga elementary at secondary school students na mai-showcase ang kanilang mga talento at kakayahan mula sa mga natutunan nilang competencies sa kanilang mga paaralan. Para sa taong ito, ang tema ay "Galing, Talino, at Husay ng mga Batang Makabansa sa Diwa ng Matatag na Adhika."