Lungsod ng Pasig, BACK-TO-BACK CHAMPIONS sa 8th Philippine National Para Games (PNPG)

November 15, 2024

When it rains, it pours!
Sunud-sunod ang good news na natanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig kahapon, November 14, 2024, dahil matapos makabilang sa awardees ng 2024 Seal of Good Local Governance at maaprubahan ng Metro Manila Council ang Comprehensive Land and Water Use Plan 2023-2031 at Zoning Ordinance, nakamit naman ng ating lungsod ang pagiging BACK-TO-BACK CHAMPIONS sa 8th Philippine National Para Games (PNPG)!
Ginanap ang Awarding Ceremony kahapon, November 14, 2024 matapos ang nasa apat na araw Philippine National Para Games na nagsimula noong November 11, 2024 — kung saan nagkamit ang delegasyon ng Lungsod ng Pasig ng 108 medals, na binubuo ng 45 gold medals, 32 silver medals, at 31 bronze medals (ayon sa 07:00PM, November 14, 2024 medal tally mula sa Philippine Sports Commission)!
Bukod sa pagkakakamit ng kampeonato ng PNPG, tinanghal din na Best Para-Athelete si Vengie Aurelio mula sa Lungsod ng Pasig dahil sa kanyang outstanding performance kung saan nakapagkamit sya ng tatlong gold medals: Athletics from Shot Put, Discus Throw, at Javelin Throw!
Ang huling PNPG ay idinaos noong 2019, kung saan ang Lungsod ng Pasig din ang naitanghal bilang kampeon.
Congratulations sa ating delegasyon sa 2024 PNPG na binubuo ng 117 para-athletes at 35 coaches/officials!
Tunay kayong ipinagmamalaki ng Lungsod ng Pasig! Nawa ay patuloy kayong magsilbing inspirasyon sa lahat ng Pasigueño!
Mabuhay po kayo!