Lost and Found Items sa Lungsod ng Pasig | May 2, 2025

May 2, 2025

LOST AND FOUND ITEMS SA LUNGSOD NG PASIG

Pasigueño, sa’yo ba ito? 

Tingnan ang mga nakalistang items na natagpuan ng China Banking Corporation sa kanilang acquired property na Unit 910, 9/F, Pacific Place Condominium, Pearl Drive cor. Amethyst Sts., Ortigas Center, Brgy. San Antonio, Pasig City, at noong March 2025 ay opisyal na ipinasa sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig.

Sa kasalukuyan, ang mga nasabing item ay nakalagak sa OGS Warehouse sa Brgy. Maybunga. I-access ang photos ng aktwal na items mula sa link na ito: https://bit.ly/PasigLostAndFoundItems_Chinabank 

Upang ma-claim ang inyong item, mangyaring makipag-ugnayan sa Land and Building Management Inventory Section ng Office of General Services - Asset Management Division sa kanilang tanggapan sa 2/F, Temporary Pasig City Hall, Eulogio Amang Rodriguez Ave., Brgy. Rosario, o kaya’y magpadala ng email sa ogsasset@pasigcity.gov.ph. Maaari rin silang ma-contact sa kanilang landline number na 8643-1111 local 1421. 

Paalala lamang po na siguraduhing makapagpakita ng katibayan o proof of ownership na magpapatunay na kayo ang lehitimong may-ari ng item.

—--

Alinsunod sa Article 719 ng Civil Code of the Philippines, kung may makita kang bagay na hindi kayamanan, kailangan itong isauli sa dating may-ari. Sakaling hindi alam kung sino ang may-ari, kailangan agad itong i-turn over sa lokal na pamahalaan kung saan ito natagpuan dahil sila ang responsable sa pagtago at pag-aanunsyo sa publiko tungkol dito, habang inaasahan na magpakita ang tunay na may-ari.

Kung ang bagay ay madaling masira o mahirap i-maintain, ibebenta ito sa public auction walong araw pagkatapos ng pag-anunsyo. Kung matapos ang anim na buwan mula ng pag-anunsyo ay walang may-ari na lumitaw, mapupunta sa nangangalaga ang bagay o ang perang makukuha mula sa pagbebenta nito.