LIVE: State of the City Address 2024
October 14, 2024
LIVE: State of the City Address 2024
Pasigueños!
Halina’t tunghayan ang State of the City Address (SOCA) 2024 ni Mayor Vico Sotto kung saan kaniyang ibabahagi sa ating lahat ang mga nagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig nitong nagdaang taon.
Partikular na rito, kaniyang ibabahagi ang mga proyekto at programang nakatutok sa kalusugang pangkalahatan (health); pabahay para sa mapanlahok at maunlad na pamayanan (housing); de-kalidad na edukasyon ng mamamayan tungo sa maunlad na bayan (education); maagap ng serbisyo (efficient services); tapat, masinop, at mapanlahok na pamamahala (good and participatory governance); at imprastrakturang tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan (infrastructure).
Bukod kay Mayor Vico Sotto, ibabahagi rin nina Lone District Representative Roman Romulo at Vice Mayor Dodot Jaworski ang mga proyekto at programa na nagawa ng kani-kanilang mga opisina nitong nagdaang taon.
Pagkatapos naman ng SOCA 2024, matutunghayan din ang opisyal na pagpasa at pag endorso ng Executive Budget para sa Fiscal Year 2025 na nagkakahalagang PHP22,390,060,313.00 (PHP22.4B).
Panoorin ang LIVE: State of the City Address 2024 mula sa link na ito: https://tinyurl.com/PasigSOCA2024